Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Jennifer Benson Schuldt

Hinahangad sa Buhay

Minsan, bumisita kami ng aking mga anak sa isang lugar kung saan inaalagaan at maaaring pakainin ang mga maliliit na pating. Tinanong ko ang tagapangalaga doon kung may nakagat na bang daliri ang mga pating kapag pinakain ng mga taong bumibisita. Sinabi naman ng tagapangalaga na busog ang mga pating kaya hindi sila mangangagat.

May aral akong natutunan tungkol sa pag-aalaga…

Banayad na Pagtutuwid

Minsan, sinuri ng aking guro sa pagpipinta ang aking iginuhit. Isa siyang magaling at propesyonal na pintor. Inaasahan ko na sasabihin niyang hindi maganda ang pagkakapinta ko pero hindi niya iyon sinabi. May karapatan siyang punahin ang aking gawa pero naging maayos ang pagsasabi niya ng mga dapat ko pang ayusin sa aking ipininta.

May karapatan naman si Jesus na…

Makita ang Sarili

Minsan, tiningnan ng isang lalaki ang CCTV na ikinabit niya sa kanyang bahay para siguraduhin na gumagana ito. Naalarma siya nang makita sa CCTV na may umaaligid sa kanyang bakuran. Pinanood niya ito nang mabuti para makita kung ano ang gagawin ng lalaki. Mukhang pamilyar sa kanya ang lalaki hanggang sa mapagtanto niya na siya pala mismo ang napanood niya sa…

Ipagpatuloy

Marami akong nakakasalamuhang mga taong mahusay at mahinahon sa aking trabaho. Pero iba sa kanila ang naging supervisor ko sa isang proyekto. Kahit na maganda ang aming ginagawa, naging malupit siya sa amin. Dahil doon, pinanghinaan ako ng loob at parang gusto ko na ring sumuko.

Parang nais na ring sumuko noon ni Moises dahil ayaw pa ring palayain ng Faraon…

Malayang Pagsunod

Minsan, inaya ako ng mga anak ko na maglaro sa snow. Napakaginaw noon kaya nag-alinlangan ako. Pumayag na rin ako sa huli pero iniutos ko na magsuot sila ng makakapal na damit, huwag maghiwa-hiwalay at bumalik agad pagkatapos ng labinlimang minuto.

Ginawa ko ang mga utos na iyon dahil sa pagmamahal ko sa kanila at para malaya silang makapaglaro nang hindi…